Ang Matuwid na Pamamahala ni Gov. Panlilio
4:15 PMAng Matuwid na Pamamahala ni Gov. Panlilio
Bakit galit si Gob. Panlilio kay Cong. Mikey?
Frustrated siya dahil ang campaign promise niya noong kampanya na i-eradicate angjueteng sa Pampanga ay hindi niya matupad-tupad.
Frustrated siya dahil ang pinagmamalaki niyang quarry fees collection ay bumagsak na mula ng sipain niya ang mga original Balas Boys.
He has to blame somebody.
***************
Malalim ang mga ginawang pag akusa ng gobernador ng Pampanga kay 2nd Dist. Representative Mikey Arroyo. Squid tactic tawag dito ng mga bihasa sa pulitika. Mabilis matuto itong suspendidong pari sa dirty political gimmicks. Congrats!!!
***************
Galit siya sa jueteng, e, hindi pa siya ipinapanganak mayroon ng jueteng sa Pilipinas. Bakit hindi niya tanong kay Sen. Mar Roxas ang solusyon, e, matagal na naman itong nanunungkulan bilang senador. Bakit si Sen. Roxas? Kasi dadamayan daw niya si Panlilio sa “lonely fight” nito sa jueteng.
Bakit pag malapit na ang halalan binubuksan ang jueteng isyu sa Pampanga? Wala ba nito sa Isabela, Naga o Nueva Ecija? Pakitanong nga natin sa champions ng Kaya Natin!
***************
Seriously speaking, our society tolerates and promotes gambling, not Cong. Mickey Arroyo. We have bingos in churches and malls. We have contests in our cell phones and TV programs. Malls have raffles when you purchase. Every day, winning Lotto numbers and prizes are all over the front pages of all newspapers.
Sen. Roxas and Gov. Panlilio, subukan po ninyong pag-aralan ang tunay na dahilan at solusyon sa pagiging sugarol ng maraming mga Pilipino.
*****************
He recently received an award because of what the BALAS Boys did to increase collection of quarry fees in Pampanga.
Pero nasaan ang mga tunay na bayani ng mataas na quarry collection na nagbigay karangalan sa probinsya ng Pampanga? Mga ex-seminarians na ipinagmalaki sa lahat ng kanyang talumpati NOON?
Ayun nabubulok sa tapat ng Kapitolyo may anim na buwan ng naka-picket. Sinipa, pinag-resign at pinagbintangan ng walang paglilitis.
Maniniwala ba kayo na dinemanda pa ni Gob at ni Atty Dabu ng libel ang mga ito - 43 of them?
Matuturing bang Kristiyano ang gobernador na ito o ibang klaseng biblia na ang binabasa niya?
At ano na nga ba ang lagay ng quarry collection ng Pampanga mula nang pinagtatanggalang mga TUNAY na BALAS Boys?
***************
Operational na ang PR campaign proposal contra recall a kumalat noong nakaraang buwan sa ating mga email. Dito, itinuro kay Panlilio ng kanyang mga alipores na muling gamitin ang battlecry ng Crusada noong 2007 campaign: ang Good vs Evil. Si Gob dawang good at si Bong Pineda (at lahat ng ayaw na kay Gob) ang BAD.
Pero hindi ba siya at si Dabu na ang EVIL PERSONIFIED ngayon sa dami ng kanilang mga inaway?
****************
At tungkol naman sa pagpapalit ng Provincial Director ng PNP, ayan napalitan na pero nag-iiyak na naman si Panlilio dahil hindi ang gusto niya ang napili.
Gob, atin yang proceso ing PNP aliwa king prosesu king buntuk yu ampong favorite adviser yu. You and Atty Dabu claim to have your own processes when you fired in a very unjust and, yes, unchristian manner, the Balas Boys before Christmas.
Why we believe that you abide only by your very own processes:
1) Ayaw mong sagutin ang tanong ng marami bakit 53 campaign contributorslang ang iyong listed and submitted under oath sa Comelec samantalang pinagmamalaki mo na hundreds, even thousands, tumulong at gumastos para sa iyo. Paano naman kaming binigyan mo pa ng resibo?
2) You won’t shed light on the issue of why in one newspaper (Inquirer) you had two different versions of how you got the P500,000 cash.
October 13, 2007, report by Tonette Orejas “Among Ed given P.5M by Palace functionary”, in as much as 200 words, ibinahagi mo ng madetalye kung paanong isang lalakeng Capampangan na nakabarong puting long sleeves ang nag abot sa iyo ng pera sa loob ng Malacanang.
October 16, 2007 , pagkaraan lamang ng tatlong araw sinabi mo naman sa Inquirer, “Panlilio to Palace: Tell Truth on Money” na isa palang gobernador angnag-abot ng pera, at hindi pala sa iyo, kundi sa iyong chief-of-staff na si Archie Reyes.
Ano ba totoo dito? Gob,. Panlilio, malilio na pu kami !!!
3) Sa mga interview niyo at sagot sa tanong ni Senator Allan Cayetano sa Senate hearing, under oath, sabi niyo na hinding-hindi niyo ginalaw ang P500T – “THE MONEY IS STILL INTACT, NOT A BILL REMOVED FROM THE BAG.”
Yun pala ginamit ninyo na ang pera sa pagpunta ng mga tauhan niynyo sa Tagaytay.
Aba e, kung hindi pa kayo ine-expose ng inyong resigned Chief-of-Staff, hindi lalabas ang totoo na nagsinungaling kayo.
Bago matulog sa gabi, hinihingi ko kay Gob. Panlilio na basahin niya ng mabuti angBiblia at tanong sa kanyang diyos kung ano ang ibig sabihin ng mga katagang ito.
Kawikaan 29:2 : “Kapag matuwid ang namamahala,nagsasaya ang madla, ngunit matamlay ang bayan kung ang pinuno ay masama.”