Para kay Gov. Ed Panlilio
3:04 AMPara kay Among Ed Panlilio...
Ang sumusunod ay ang nakasulat na pahayag/paliwanag ni Pampanga Governor Ed Panlilio hinggil sa kanyang pasyang tumakbo bilang presidente sa 2010 at ang paghingi nito ng dispensation o pahintulot mula sa Santo Papa na umalis sa pagkapari. Matatagpuan ang kopya nito online sa website ng Kaya Natin!
Minarapat kong i-repost ang pahayag na ito, kalakip ang aking sariling komentaryo para kay Gov. Ed, upang makatulong sa ating mga mambabasa na magbuo ng kanilang sariling pagtingin hinggil sa isyung ito.
Sa tingin ko, ang nakasulat na pahayag na ito ay may layuning ilinaw/ itama ang ilang mga naunang pahayag ni Gov. Ed sa media na nagresulta sa mga headlines tulad ng, “God is calling me to run for President”, “God wants me to run in 2010”, and “Priest chooses politics over God”, bagay na lumikha ng pagbaha ng matindi at negatibong mga reaksyon ng ating mga kababayan. Sana ay hindi mamasamain ng Kaya Natin! at ni Gov. Panlilio ang libreng publicity na ito.
“Panlilio for President?” http://kayanatin.com/blogs/among-ed-for-president/
Noong Martes, inilahad ko po sa isang press conference ang aking hangarin na magpa-file ako ng candidacy para sa pagka-presidente ng ating bansa bago o kaya sa mismong araw ng Nobyembre 30. Mayroon pong natuwa at mayroon namang nagalit.
[Gov Ed, paano naman po matutuwa ang mga nagalit sa inyong deklarasyon eh idinawit ninyo pa ang Panginoon sa inyong political plans nang gamitin ninyo Siyang Top Endorser. Bukod sa nagalit ang mga Obispo ng Pampanga dahil sa hindi kayo tumupad sa usapan ninyo noong pinagbigyan nila kayo noong 2007 sa inyong pangako na tatlong taon lang kayong magpu-pulitiko, aba eh na-question pa tuloy ang katinuan ninyo.]
Gusto ko pong ipaabot sa inyo ang pagpasok ko sa pulitika at pagtakbo sa pagka-presidente ay hindi nagsimula sa akin. Wala naman kasi akong political agenda.[Ano po ang sinasabi ninyong wala kayong political agenda? Hindi po ba ang deklarasyon ng inyong pagtakbo ay isang political endeavor? O non-political na po ba ang pagtakbo sa eleksyon ngayon? Eh ano po ang agenda ninyo, kung ganon? Moral? Spiritual? Parang palabo ng palabo.]
Pinasukan ko ito sapagkat ako ay tumugon sa pangangailangan at sa kahilingan ng mga tao.[Kung totoo man po na hindi nanggaling sa inyo, kayo pa rin naman po ang magdedesisyon kung kayo ay tatakbo o hindi, aalis sa pagkapari o hindi. Sana ay tigilan na natin ang pag-finger point sa kung sino-sino na nagtutulak sa inyo upang tumakbo: una si God, ngayon mga karaniwang naman. Sana, kahit ngayon lang, ay mapanindigan ninyo kung ano talaga ang sa ganang inyo. Hindi po ba para po kayong nag-aaplay sa isang mabigat na trabaho na ang itinuturo ninyong nagtutulak sa inyong mag-aplay ay nanay o tatay, o ate, kuya o kapitbahay ninyo. Pero kayo, hindi nyo naman talaga gusto. Pwede ba ‘yon? At paano kung kayo’y matalo, at tiyak naman iyon, sino ang sisisihin ninyo? Si God? Ang mga nagpatakbo sa inyo? Aba, Harvey Keh at Patrick Pantaleon, maghanda na kayo at baka maririnig ninyo rin sa bandang huli na “Hindi ko naman sinabing suportahan ninyo ako,”, o kaya, “Pinagsisisihan ko na isinama ko pa kayo sa aking team.” Anong klaseng presidente naman ang aasahan namin sa kagaya ninyo kapag ganyan kayo? ]
Noong walang mapiling disenteng alternatibong kandidato sa pagka-gobernador sa Pampanga noong 2007, ako ay nagpasyang kumandidato pagkatapos kong magnilay. Ganito rin ang nangyari sa pagkakataon ngayon. May mga grupo at sektor na wala raw mapiling presidential candidate noong ako ay nilapitan[Gov. Ed, nakakataba nga naman ng puso ang mapili kayo ng ilang mga grupo at sektor na ito na walang mapiling kandidato kundi kayo, ano? Pero teka, gaano po ba kayo kakilala ng mga ito? Ito po ba iyong mga tao na kagaya ko ay hangang-hanga at naluha sa tuwa sa naging tagumpay ng ating Krusada sa Pampanga noong 2007? Alam na po ba nila ang mapait na katotohanan na iilan na lang po sa mga kasamahan natin sa Krusada ang nagtitiwala pa sa inyo? Alam din po ba nila kung bakit ganoon ang nangyari, o your convenient version of truth lang ang nakakarating sa kanila, tulad halimbawa ng “Malakas ang mga kalaban ko, pinagtutulung-tulungan nila ako. Nagamit at nagpagamit ang mga dating supporters at confidence team ko para siraan ako. Ang totoo, I am doing a very good job as a Governor!”?
Gob, sa pagkakakilala ninyo sa iyong sarili, sa inyong mga nagawa, at sa kabila ng nakakalungkot na nangyari sa Krusada at sa Pampanga, hindi po ba nagtataka o nahihiya, kahit kaunti, kung bakit kayo ang napili nila?]
Pagkatapos ko ring magnilay ako ay nagpasyang kumandidato. Kahit pa naman noong nakaraang taon, malimit akong tinatanong kung ako ay hahabol bilang presidente?
Tatlong palatandaan ang aking tinakda:
una, walang ibang nakikitang karapat-dapat na kandidato[Nakapagtataka pero sige na nga, check, sabi ng ilang sektor at grupo, ika n’yo];
pangalawa, suporta ng mga tao[“clamor” at hindi lang simpleng suporta Gov. Ed ang sabi nyo. Nasaan itong “clamor” na ito?]
at pangatlo, kung pagkatapos kong magnilay at nagpasyang tatakbo, kapayapaan ang nadama ko. Ngayon pong nakikita kong nandito na ang mga palatandaang ito, ako ay nagpasya nang tumakbo.
[Simple lang pala ang hinahanap ni Gov Ed na palatandaan para makaramdam ng kapayapaan sa kanyang puso. Aba eh, kahit ilang pirasong tao lang ang magsabi na susuportahan nila ang kanyang kandidatura ay solved na siya, at kahit pa nga higit na napakarami ang galit at hindi sumasang-ayon ay wala siyang pakialam. Ayos yan, Among Ed!]
Sa gitna ng mga nag hihirap at nagugutom na maraming Pilipino, sa paglala ng katiwalian sa pamahalaan at sa paglaganap ng kawalang pag-asa, ito ang panahon na kailangan tayo ng ating Inang Bayan.[Totoo, ito ang panahon para kumilos ang taumbayan upang magkaroon ng tiyak at makabuluhang pagbabago sa ating bansa, maitaas ang antas ng kabuhayan ng mga mahihirap, at buhayin at palaganapin ang pag-asa para sa pagbabagong ito. Pero Gov. Ed, pwede ninyo bang sabihin sa amin: gaano karami po ba ang nabawas sa mga nagugutom sa Pampanga? Mataas po ba ang moral at pag-asa ng mga Kapampangan sa ilalim ng inyong pamumuno? Hindi po ba kabaligtaran ang nangyari sa Pampanga sa inyong inaakalang kayang gawin para sa buong Pilipinas?]
Bilang Pilipino na may malasakit, dapat tayong nakahandang ialay sa bayan ang pinakamainam sa ating sarili. Kung itong pag-aalay ay nangangahulugan na kailangan nating isakripisyo ang ano mang bagay o lahat ng bagay sa atin, mangyari nawa sana ito. Para sa akin, ang sakripisyong tinutukoy ko ay ang paghingi ng DISPENSATION sa Sta. Iglesia sa aking pagkapari. Ito po ay napakalaking bagay para sa akin. Pero maaari ko pong gawin ito. Bakit?
Para sa akin ang pinakapuso ng pagpapari ay pag-aalay ng sarili sa kapwa lalo na sa mga mahihirap at maralita. Ito naman po ay aking ginawa noong ako ay nakadestino sa mga parokya at patuloy kong sinasabuhay nga yong ako ay gobernador. Mas higit ko pa ngang nilalaan ang aking sarili ngayon kaysa noon. Kaya lang po kailangan kong hu mingi ng dispensation upang maipagpatuloy ko ang aking panunungkulan sa pulitika sapagkat ito ang batas ng Sta. Iglesia na kailangan ko itong sundin. Ayaw kong sumuway sa kahilingan ng Iglesia.
Nagpapasalamat po ako sapagkat ang ating Sta. Iglesia ay maunawain. Kung sa bagay naniniwala akong hindi rin naman masama ang aking layunin. Kung ako naman ay bi nabatikos ng iba sa ginawa kong desisyon na ito, nire respeto ko po ang kanilang pahayag at pagtingin. Wala akong galit sa kanila. Tanging hangad ko lang naman ay ako ay manindigan batay sa nakikita kong buhay na dapat ialay upang sama-sama na ting itaguyod ang ating Inang Bayan.
[Gov, kung hindi mo na ramdam ang pagpapari, at ang pagiging pulitiko na talaga ang nasa puso mo, umalis ka na lang, huwag ka nang magpapigil. Huwag mo sanang konsensyahin ang mga kababayan natin para suportahan at iboto ka dahil sa iyong sinasabing “sakripisyo”. Maging totoo ka sa iyong sarili na mas pinili mo na ang buhay sa labas ng Simbahan kaysa sa loob nito. Sana rin ay huminto na rin kayo sa pang-aabuso sa pagiging maunawain ng Simbahan at ng mga Obispo sa ginagawa ninyong paglabag sa inyong mga sinumpaang tungkulin sa Panginoon at sa Simbahang Katoliko bilang isang pari.]
ACT DUMB
9:05 PMACT DUMB
Gov. Ed Panlilio said that it hit him that politicians “get kinder” when election time draws near. It’s but natural for any person, not just politicos like himself, to put their better foot forward when they are after something.
Ito naman si Among oh, parang hindi tao na naghangad,nangarap o umibig.
I am certain that at some point of his life, he did his own share of wooing, and took efforts to look and act his best, make the best impression, especially if there were competitors vying for the sweet “yes” of the lucky lady.
When he was running for governor in 2007, his image makers worked wonderful miracles so he would look his kindest, nicest and cleanest.
Also, back then, I remember he was always naturally very kind to Jun and Lolita Hizon and their children - Darius (his chief security), Barangay Chair Jomar, Doll and the rest of the Hizon Clan in whose houses (4) he stayed during the campaign & after the election, the lady volunteers (Myrna Bituin, Tess Guanzon, Agnes Romero, Leleng Santiago, Tess Briones, Tootsie Herrera, Nina Saplala, Nina Tomen, Janet Mallari, Lilian Limjoco, among others), Rene Romero and all the other big financial backers - of course the Davids of Betis (Bishop Ambo, Atty. Dante David, Randy). The men I saw with him every evening - Marny Castro, Tatang Fer Caylao, the ex-seminarians and youth volunteers - Archie Reyes, Rop Syquia, Alex Pineda, Ave Laquindanum Patrick Guanzon, Noynoy Santiago, John Sambo, and many others.
Sadly, though, like most wooers who make promises of sun and moon, they fall short, and worst, renege.
KUDOS is in order to Atty. Vivian Dabu for finally getting her salaries. So all this time she is not getting her salary, she is a volunteer staff of the government? Double congratulations to her and Among Ed for probably avoiding possible legal repercussions for holding too much power despite the “volunteer” status. Or am I speaking too soon?
POINT IS, THERE IS NO POINT
What really is the point of the well-crafted July 1 PUNTO! story of Panlilio’s friend Ms. Tonette Orejas on “PRIEST in POLITICS: No graft in 2 years”?
That priests are able to resist temptations, they live simply and they are good at making sacrifices? Ok copy. But aren’t these some of the basic traits any priest, not just Among Ed, should have for them to actually become priests? And with his campaign line of moral, ethical and responsible leadership, the Capampangans were made only to expect as much and maybe even more.
That “Pwede pala!”, a graft-free government is doable, or that it is doable because the leader is a priest? Come on, pari nga sya eh. If there is any current government office in any part of this country that should be graft free, it is that one ran by a priest-governor. Why would he allow it?
But wait, why is the leadership standard limited to plain and simple living? Why not excellence, professionalism and effective governance?
CONDESCENDING: By implication, nakakalungkot itong mga realizations ni Among Ed sa dalawang taon niyang paglalaro sa Capitolio. It is a reflection of one or two things about the priest-politician: one, he feigns ignorance about the man’s nature at the expense of others. Two: he probably thinks all the employees of the Capitol are corrupt and inefficient that he is so amazed about the fact the “Pwede pala!” silang maging malinis at masipag.
Ano ba yan!
Ang Matuwid na Pamamahala ni Gov. Panlilio
4:15 PMAng Matuwid na Pamamahala ni Gov. Panlilio
Bakit galit si Gob. Panlilio kay Cong. Mikey?
Frustrated siya dahil ang campaign promise niya noong kampanya na i-eradicate angjueteng sa Pampanga ay hindi niya matupad-tupad.
Frustrated siya dahil ang pinagmamalaki niyang quarry fees collection ay bumagsak na mula ng sipain niya ang mga original Balas Boys.
He has to blame somebody.
***************
Malalim ang mga ginawang pag akusa ng gobernador ng Pampanga kay 2nd Dist. Representative Mikey Arroyo. Squid tactic tawag dito ng mga bihasa sa pulitika. Mabilis matuto itong suspendidong pari sa dirty political gimmicks. Congrats!!!
***************
Galit siya sa jueteng, e, hindi pa siya ipinapanganak mayroon ng jueteng sa Pilipinas. Bakit hindi niya tanong kay Sen. Mar Roxas ang solusyon, e, matagal na naman itong nanunungkulan bilang senador. Bakit si Sen. Roxas? Kasi dadamayan daw niya si Panlilio sa “lonely fight” nito sa jueteng.
Bakit pag malapit na ang halalan binubuksan ang jueteng isyu sa Pampanga? Wala ba nito sa Isabela, Naga o Nueva Ecija? Pakitanong nga natin sa champions ng Kaya Natin!
***************
Seriously speaking, our society tolerates and promotes gambling, not Cong. Mickey Arroyo. We have bingos in churches and malls. We have contests in our cell phones and TV programs. Malls have raffles when you purchase. Every day, winning Lotto numbers and prizes are all over the front pages of all newspapers.
Sen. Roxas and Gov. Panlilio, subukan po ninyong pag-aralan ang tunay na dahilan at solusyon sa pagiging sugarol ng maraming mga Pilipino.
*****************
He recently received an award because of what the BALAS Boys did to increase collection of quarry fees in Pampanga.
Pero nasaan ang mga tunay na bayani ng mataas na quarry collection na nagbigay karangalan sa probinsya ng Pampanga? Mga ex-seminarians na ipinagmalaki sa lahat ng kanyang talumpati NOON?
Ayun nabubulok sa tapat ng Kapitolyo may anim na buwan ng naka-picket. Sinipa, pinag-resign at pinagbintangan ng walang paglilitis.
Maniniwala ba kayo na dinemanda pa ni Gob at ni Atty Dabu ng libel ang mga ito - 43 of them?
Matuturing bang Kristiyano ang gobernador na ito o ibang klaseng biblia na ang binabasa niya?
At ano na nga ba ang lagay ng quarry collection ng Pampanga mula nang pinagtatanggalang mga TUNAY na BALAS Boys?
***************
Operational na ang PR campaign proposal contra recall a kumalat noong nakaraang buwan sa ating mga email. Dito, itinuro kay Panlilio ng kanyang mga alipores na muling gamitin ang battlecry ng Crusada noong 2007 campaign: ang Good vs Evil. Si Gob dawang good at si Bong Pineda (at lahat ng ayaw na kay Gob) ang BAD.
Pero hindi ba siya at si Dabu na ang EVIL PERSONIFIED ngayon sa dami ng kanilang mga inaway?
****************
At tungkol naman sa pagpapalit ng Provincial Director ng PNP, ayan napalitan na pero nag-iiyak na naman si Panlilio dahil hindi ang gusto niya ang napili.
Gob, atin yang proceso ing PNP aliwa king prosesu king buntuk yu ampong favorite adviser yu. You and Atty Dabu claim to have your own processes when you fired in a very unjust and, yes, unchristian manner, the Balas Boys before Christmas.
Why we believe that you abide only by your very own processes:
1) Ayaw mong sagutin ang tanong ng marami bakit 53 campaign contributorslang ang iyong listed and submitted under oath sa Comelec samantalang pinagmamalaki mo na hundreds, even thousands, tumulong at gumastos para sa iyo. Paano naman kaming binigyan mo pa ng resibo?
2) You won’t shed light on the issue of why in one newspaper (Inquirer) you had two different versions of how you got the P500,000 cash.
October 13, 2007, report by Tonette Orejas “Among Ed given P.5M by Palace functionary”, in as much as 200 words, ibinahagi mo ng madetalye kung paanong isang lalakeng Capampangan na nakabarong puting long sleeves ang nag abot sa iyo ng pera sa loob ng Malacanang.
October 16, 2007 , pagkaraan lamang ng tatlong araw sinabi mo naman sa Inquirer, “Panlilio to Palace: Tell Truth on Money” na isa palang gobernador angnag-abot ng pera, at hindi pala sa iyo, kundi sa iyong chief-of-staff na si Archie Reyes.
Ano ba totoo dito? Gob,. Panlilio, malilio na pu kami !!!
3) Sa mga interview niyo at sagot sa tanong ni Senator Allan Cayetano sa Senate hearing, under oath, sabi niyo na hinding-hindi niyo ginalaw ang P500T – “THE MONEY IS STILL INTACT, NOT A BILL REMOVED FROM THE BAG.”
Yun pala ginamit ninyo na ang pera sa pagpunta ng mga tauhan niynyo sa Tagaytay.
Aba e, kung hindi pa kayo ine-expose ng inyong resigned Chief-of-Staff, hindi lalabas ang totoo na nagsinungaling kayo.
Bago matulog sa gabi, hinihingi ko kay Gob. Panlilio na basahin niya ng mabuti angBiblia at tanong sa kanyang diyos kung ano ang ibig sabihin ng mga katagang ito.
Kawikaan 29:2 : “Kapag matuwid ang namamahala,nagsasaya ang madla, ngunit matamlay ang bayan kung ang pinuno ay masama.”
