WALANG SAGRADO SA PULITIKA NI PANLILIO
Kamaikailan lang, naiulat sa mga mayor na istasyon ng telebisyon at radyo at mga pahayagan ang pag-amin ni Mrs. Cielo Macapagal-Salgado, matandang kapatid ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, na ineengganyo siya ni Pampanga Governor Ed Panlilio na kalabanin ang kanyang sariling kapatid sa darating na eleksyon bilang Kinatawan sa Kongreso ng ikalawang distrito ng Pampanga.
Ayon kay Panlilio, “Naghahanap kami ng isang posibleng kandidato na naniniwala sa good governance na nakita po namin sa katauhan ni Mrs. Cielo Macapagal – Salgado.” Dagdag pa ng paring-pulitiko, wala na raw ibang pinakamahusay na maipantatapat kay Pangulong Arroyo kundi ito ngang kapatid nito na si Mrs. Cielo.
Teka, hindi ba kailan lang ay nagpahayag si Panlilio ng all-out support para kay Randy David na nauna nang nagpahayag na tatakbo ito kung tatakbo si Pangulong Arroyo bilang Kongresista ng 2nd district ng Pampanga? Bakit biglang si Mrs. Cielo ang “best” na ipangtatapat kay PGMA? Hindi na ba naniniwala sa good governance si Randy, Gob?
Nakakapangilabot na isipin na kung gaano na lamang kaimportante para kay Panlilio ang mangibabaw sa mga labanan sa pulitika kung kaya animo’y ibinaon na nito sa limot ang lahat ng kanyang dating pinaniniwalaan at itinuturo bilang isang paring Katoliko.
Sa wari ko, sa pagkakataong ito, tuluyan na niyang ibinasura ang mga pinaniniwalaan at gawi na kapuri-puri sa Panginoon – lalong-lalu na ang hinggil sa nangungunang pwesto at pagpapahalaga sa pagkakaroon ng totoo at matibay na pagkakaisa’t pagmamahalan sa isang pamilya. (Lalo ko tuloy naintindihan kung bakit ganoon ang stepmother mismo ni Panlilio ay pumirma sa pagpapa-recall sa kanya.)
Ang PAMILYA ay isang sagradong institusyong binasbasan at inaalagaan ng Diyos at direktang daluyan ng Kanyang walang kapantay na pagmamahal sa tao. Inihahalintulad ito sa isang “domestic Church”, at wala ni sinumang tao o anumang secular na kapangyarihan ang maaring gumiba o maging dahilan ng pagkakahati nito.
Kahit saang anggulo tingnan, MALI, IMMORAL at HINDI MAKA-KRISTIYANO ang maging bahagi, lalo na ang maging PASIMUNO ng isang iskemang pulitikal na walang dudang magdudulot ng permanenteng lamat at sira sa relasyon ng mga magkakapatid at ng buong angkan ng Macapagal.
Sa kabila ng lahat ng ito, pinatutunayan ang talas ng isip, mahabang karanasan, talino at malalim na pagpapahalaga ni Mrs. Cielo sa kanyang pamilya sa kanyang sagot sa ilang naging panayam sa kanya.
Sabi niya: “Sana hindi na kami maglaban-laban. Ayokong mangyari 'yon. Kahit anong sabihin mo, mahal ko sila, mahal ko mga kapatid ko.”
“Siyempre makikiramdam ka, titingnan mo kung ano ang gusto ng mga tao. Tinatanong ko rin sa sarili ko kung bakit nila ako pinapatakbo after 11 years na retired na ako sa politics.”
Hindi po ba nagpapatunay ng maitim na balak ang pang-uudyok sa kapatid pa mismo ng Pangulo na mahigit isang dekada nang nagpahinga sa aktibong paglahok sa pulitika, 69 years old, at nagpapahinga mula sa matinding pakikipaglaban sa sakit na cancer? Sa kalagayang isang bukas na aklat ang hinggil sa pagkakaiba ng magkapatid sa ilang tindig at affiliations sa pulitika, na sabi nga ng ulat sa Inquirer, ay “strained” ang relationship ng mag-ate, bakit gagawa ka ng mga hakbangin na lalong magpapatindi sa hindi pagkakaunawaan at sisira sa relasyon ng dalawa?
Naku! Kung makakabangon lamang si Tang Dadong mula sa kanyang libingan, tiyak na mas matindi pa ang aabutin ng suspendidong paring ito mula sa ama ng magkapatid na Cielo at Gloria!
Gob, ipagpaumanhin mo pero tila kailangang ipapaala ngayon sa iyo ang ilang bahagi ng Pastoral Statement ng CBCP na THE CHRISTIAN FAMILY: GOOD NEWS FOR THE THIRD MILLENNIUM.
[The family] It is a sign to the world that God is present among us and loves us. It is a sign that Gods is acting in our midst to give life and to bring about the unity of the human race
Every family springs from God. But the Christian family is blessed even more because God has made it the "domestic Church" (LG no. 11), the Church in the home, the smallest form of the Church, the Church in miniature. It is not only a sign of the Good News of God's sacrificing love but also has the mission of announcing the Good News of salvation. It has contributed immeasurably to the development of Philippine society and the spread of the Gospel. Together with the Christian faith of most Filipinos the Christian family can truly be considered as among God's greatest gifts of God to the Filipino nation.
Paki tanong nga po Gob sa inyong sarili kung tama pa ba ang inyong ginagawa? Ano na po ba ang inyong ginagamit na barometro para sukatin ang tama at mali? Ito po ba ay ang Doktrina ng Partisan Politics at ng Liberal Party at hindi na ang Doktrina ng Simbahang Katoliko?
Kung magkagayon, hindi po ba napapanahon na (3 years ago) na magresign na kayo sa pagkapari? Para naman malinaw ang lahat at walang kalituhan, na imbes na priest-politician ay tatawagin na lamang kayo sa mas tamang titulo na politician? ##